Wednesday, April 22, 2015

1,000 Steps


Trip to Minalungao. .wow naexcite ako kasi antagal ko na gusto pumunta dun and finally,makakapunta nko, pero di lang yun, yung nakapag paexcite saken, yung 1,000 steps kasi daw pag naabot mo yun, pwede ka magwish dun sa krus sa taas. .eto na, nakatawid na kami sa ilog, paakyat na kami, at di ko inexpect, kala ko madali lang, tulad lang ng pag akyat sa hagdan ng bahay namen, sabagay 3 steps lang un. . kumpara sa aakyatin ko dito. . my God, nakaka 20 steps pa lang ako pagod na yung mga binti ko at nagdadalawang isip ako kung tutuloy pa ba ko? gusto ko na magpahinga, as in sobrang hirap, kaya ko pa ba? hindi na. .nanginginig na mga binti ko, naiwan pa naman ako mag isa dahil nagtakbuhan na mga kasama ko pataas. .galing nila, nauna kasi kami magswimming bago umakyat eh,naubusan tuloy ako ng energy. .pero habang nakaupo ako naisip ko lang gagraduate na pala ko,isa sa mga pangarap ko, eh pangarap ko din marating yung krus sa taas? so susuko na ko? hinde, ayoko, kaya tumayo ako at habang humahakbang pataas, ini isip ko na kung di ko maaakyat to, hindi ako gagraduate, so hayun, nakarating ako sa taas, and ten steps na lang bago may umalalay saken. .grabe nakaya ko!! tumatalon yung puso ko sa tuwa, achiever na feeling ko sa sarili ko. .haha makakagraduate na ko!! ansaya sa pakiramdam na magawa mo isa lang sa mga bagay na gusto mong gawin. .isa pa lang yun. .marami pa. .pero pababa, syempre kailangan ko na alalay, buti na lang andun ka. . ;-) . . haay, nakababa na rin sa wakas, diko malilimutan yung experience at yung pagkakadapa ko ng dalawang beses. .hahaha nakakahiya talaga. .iba pa naman nakakita. pero teka, may naalala ko bigla pagkababa ko weh. . di ako nakapag wish??

No comments:

Post a Comment