Wednesday, April 22, 2015

Best Friend

Yung best friend di yan laging nasa tabi mo,di naman kasi pwede,kailangan talaga pano kung may trabaho? pero yung best friend talaga eh yung haha nakakatuwa, as in mamimis mo siya pag di mo nakikita, yung tinginan nyo lang nagkakaintindihan na kayo, yung kahit magkaiba kayo ng gusto pero magkasundo pa din kayo tapos pag may lakad at di kasama si best friend walang buhay ang lakad,OP o kaya di na lang sasama. .aasarin ka pa rin kahit asar ka na pero di mo magang maasar sa kanya, tapos pag nadapa ka pagtatawanan ka muna bago ka tulungan,at siya pa pinakamalakas tatawa ha?Pero wag lang may mananakit sayo dahil mas galit pa siya pag may gumawa sayo nun, ansaya ng may bestfriend. .bestfriend na true friend pa, alam na ngang mukha kang tanga ipapamukha pa sayo at isisigaw pa sa buong mundo,

Graduation day

Graduation day na. . .next month,excited ako? diko pa alam, diko alam kung ano nafifeel ko kasi di pa tapos yung feasibility study, sabay pa sa exam tapos kinakapos pa financially kakayanin ko?? syempre noh, achiever kaya ako. .at. .positive thinker, haha ngayon pa lang andami ko na naririnig na graduation song at nakakaiyak kasi malapit na ko umakyat sa stage na may tugtog na ganun at mas nakakaiyak kasi naiisip ko na kasama ko yung nanay ko sa pag akyat dun. .kasi sinasabi niya sakin na pangarap din niya yun para sakin. .ansaya na may nangangarap para sayo. .para sa future mo, at nakakaiyak din na mukha akong tanga sa jeep kasi naluluha ako habang nakangiti. .pero ayos lang, di naman nila ko kilala eh. .pero pag ganun naeexcite talaga ko, pero pag naiisap yung problema, hindi na ulit nakakaexcite pero syempre, dami ko kaya kakapitan. . at yung moment na nandun na ko sa stage at kung gano ko kasaya, yun yung maisahashare ko sa kanila na sigurado ikatutuwa nila. .haaay. . sana makagraduate. . :-D

What's on my mind?

Ang hirap talaga iplease ng ibang tao, lalo na kung di ka talaga nila gusto, wala eh, di talaga mawawala yun..But then,di naman talaga natin sila kailangan para magustuhan tayo diba? Live your own life, pero in a way na di ka dapat nakakasira o nakakatapak ng iba. di tayo nabubuhay para sa kanila o para magustuhan nila, pero para sa mga taong umaasa at nagmamahal saten. .Pero bakit ang hirap pa rin nila iwasan, di mo na nga pinapansin sila pa rin ang mamumuwisit at sisira sa araw mo, di manong huwag ka na lang lapitan kung ayaw nila sayo? haaay. . isa pa, sila yung kauna unahang makikiusyoso sa buhay mo at ikukuwento sa iba ang talambuhay mo,haay nakakainis!! pero naisip ko din, bakit ako maiinis eh ako naman talaga nakakakilala sa sarili ko, at pwede na din kasi diba, sikat ako? insecure sila. .hahaha, lakas ng tama ko ngayon, pero totoo, hahayaan ko na lang sila, bahala na sila. .hihintayin ko na lang yung araw na magustuhan nila ko kahit wala ako ginagawa. .hahah :-) peace pa ren. .

It's You

 Minsan. .
actually di lang minsan,
madalas ang lalim ng iniisip ko
napapatulala ako
tapos tatanungin mo ko,
ano iniisip ko tapos sasabihin mo pa "wag mu isipin yun, di ka mahal nun. ."
and that's what I really hate about you.
you know nothing about me,
you don't know how I feel,
what I feel or even what I think
even if it's so obvious that it's you who I always think about,
who I dream about and
who I love
haaaaayy. .
how I wish that it's you who was waiting for me while walking down the aisle,
it's you who I was hugging before I go to sleep
and it's you who I can kiss when i when I open my eyes in the morning. .


1,000 Steps


Trip to Minalungao. .wow naexcite ako kasi antagal ko na gusto pumunta dun and finally,makakapunta nko, pero di lang yun, yung nakapag paexcite saken, yung 1,000 steps kasi daw pag naabot mo yun, pwede ka magwish dun sa krus sa taas. .eto na, nakatawid na kami sa ilog, paakyat na kami, at di ko inexpect, kala ko madali lang, tulad lang ng pag akyat sa hagdan ng bahay namen, sabagay 3 steps lang un. . kumpara sa aakyatin ko dito. . my God, nakaka 20 steps pa lang ako pagod na yung mga binti ko at nagdadalawang isip ako kung tutuloy pa ba ko? gusto ko na magpahinga, as in sobrang hirap, kaya ko pa ba? hindi na. .nanginginig na mga binti ko, naiwan pa naman ako mag isa dahil nagtakbuhan na mga kasama ko pataas. .galing nila, nauna kasi kami magswimming bago umakyat eh,naubusan tuloy ako ng energy. .pero habang nakaupo ako naisip ko lang gagraduate na pala ko,isa sa mga pangarap ko, eh pangarap ko din marating yung krus sa taas? so susuko na ko? hinde, ayoko, kaya tumayo ako at habang humahakbang pataas, ini isip ko na kung di ko maaakyat to, hindi ako gagraduate, so hayun, nakarating ako sa taas, and ten steps na lang bago may umalalay saken. .grabe nakaya ko!! tumatalon yung puso ko sa tuwa, achiever na feeling ko sa sarili ko. .haha makakagraduate na ko!! ansaya sa pakiramdam na magawa mo isa lang sa mga bagay na gusto mong gawin. .isa pa lang yun. .marami pa. .pero pababa, syempre kailangan ko na alalay, buti na lang andun ka. . ;-) . . haay, nakababa na rin sa wakas, diko malilimutan yung experience at yung pagkakadapa ko ng dalawang beses. .hahaha nakakahiya talaga. .iba pa naman nakakita. pero teka, may naalala ko bigla pagkababa ko weh. . di ako nakapag wish??